Palasyo umapela sa mga Pinoy na maging responsable sa kabila ng mas maluwag na quarantine protocols

0
21

Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa mga Filipino na maging responsable sa kabila ng pagpapairal ng mas maluwag na quarantine protocols sa bansa.

Ito ang iginiit ni Executive Sec. Salvador Medialdea dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Medialdea, kahit na ano pa mang quarantine protocols ang paiiralin sa Pilipinas ay dapat na maging maingat pa rin ang mga Filipino upang mapigilan ang mabilis na hawaan ng COVID-19 sa mga komunidad.