80 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P500-M nasabat sa Pasay City

0
42

Aabot sa P544 milyong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isa umanong shabu laboratory sa isang condominium unit sa Pasay City.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, 10 kilo ng liquid shabu at 70 kilo ng crystalized shabu ang nasakote ng kanilang mga tauhan. Limang Chinese naman na nag-ooperate umano ng laboratoryo ang naaresto ng mga otoridad matapos ang apat na buwang surveillance.

Ito na aniya ang pinakamalaking kitchen-type shabu laboratory na nadiskubre ng PDEA ngayong taon.