79% Pilipino sumusunod sa health protocols —SWS

0
94

Mayorya ng Pilipino ang sumusunod sa COVID-19 measures gaya ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa simula Setyembre 17 hanggang 20, lumalabas na 79% ng 1,249 na adult respondents ang palaging nagsusuot ng face masks tuwing lalabas ng kanilang tahanan.

Nasa 77% naman ang palaging naghuhugas ng kamay habang 59% na  naman ang sumusunod sa 1 meter distance kapag nasa labas ng bahay at 56% naman ang palaging nagsusuot ng face shields sa alinmang lugar tuwing sasakay sa mga pampasaherong sasakyan papunta ng malls, palengke at mga botika.

Nangunguna naman ang Visayas sa pinakamaraming nagsusuot ng face mask na nasa 86%, sa Mindanao 78%, Metro Manila 77% at balance Luzon na nasa 76%.

Nangunguna rin ang Visayas sa paghugas ng kamay na nasa 75%, Mindanao na nasa 69%, balance Luzon 64% at Metro Manila 63%.

Pinakamasunurin rin sa physical distancing ang Visayas, 68%, sinundan ng Metro Manila, 65%, Mindanao 60% at balance Luzon 56%.

Sa palagiang pagsusuot naman ng face shield ay nangunguna parin ang Visayas, 66%, sinundan ng Mindanao, 58%, Metro Manila, 55% at balance Luzon 52%.