Radio Philippines Network
DXKT Davao News Provincial News

73rd IB Nagsagawa Ng Training Para Sa Mga Bagani

Malapatan, Sarangani Province  – Pormal na sinimulan ng 73rd Infantry Battalion ang training para sa mga 60 na Bagani ng Brgy Datal Anggas at Brgy Spring, Alabel, Sarangani Province noong nakaraang araw.

Magkakaroon sila ng isang linggong pagsasanay sa marksmanship, military discipline, tamang paggamit ng baril at immediate action drills. Kasama din sa kanilang program of instruction ang mga talakayan ang Prevention and Control of COVID-19, First Aid, Backyard Gardening.

Sa ngalan ni Lt. Col. Ronaldo G Valdez, pinuno ng 73IB, pinasinayaan 1st Lt. Orestes Fausto ang naturang programa na kung saan kanyang nasabi na ang mga Bagani ang magsisilbing 24/7 na sundalo ng komunidad. “Saludo ako sa kanila dahil wala silang hinihinging kapalit sa pagprotektang kanilang gagawin. ” saad niya.

Ang mga Bagani ay mga katutubong komunidad na nagboluntaryo upang protektahan ang lugar na kanilang nasasakupan laban sa mga teroristang NPA na nais silang linlangin at maghasik ng kaguluhan.

 

(Source: 73rd Infantry Battalion Facebook page)

Related posts

Kadagkuan Sa Caraga Regional Hospital Nanawagan Nga Dili Gihapon Magkumpiyansa Bisan Negative Sa Test Sa COVID-19 Ang Lima Ka Admitted Puis Sa Tambalanan

RPN

World Bank Subling Mubisita Sa Probinsya Sa Sarangani Alang Sa Good Practices Nga Gipatuman Sa Mga Proyekto

RPN

Babayi Og Kabit, Sikop Sa Aktong Pagpakig-Hilawas

RPN