35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

New Public Assembly Act aprub sa Kongreso

- Advertisement -

Lusot na sa Committee on Peoples Participation sa Kongreso ang New Public Assemby Act na naglalayong ma-amyendahan ang Batasan Pambansa bilang 880 o Public Assemby Act of 1985.

Nakapaloob sa naturang panukala ang pagpapalakas sa karapatan ng publiko sa malayang pamamahayag, tahimik na pagtitipon, at makapaghain ng reklamo sa pamahalaan para sa accountability.

Batay kasi aniya sa kasalukuyang batas ay kinakailangan pa ng written permit upang makapagsagawa ng pagtitipon ng sinomang grupo.

Bukod dito, nais rin ni Zarate na ibigay ang responsibilidad at obligasyon sa mga lider ng organisasyon ang kanilang ikakasang pagtitipon.

Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Zarate na siyang pangunahing may akda ng panukala, isa sa mga amyenda na nilalaman ng panukala ay nasa Section 5 kung saan bibigyan ng abiso ang mga lokal na pamahalaan hinggil sa pagtitipon na gaganapin sa kanilang lugar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -