35.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

73IB Itinanghal Na Kampeon Sa Agila Patrol Challenge 2020

- Advertisement -

Davao City – Sa isinagawang 2nd Agila Patrol (AgPat) challenge 2020, hinirang na kampeon ang siyam (9) na kasundaluhan ng 73rd Infantry Battalion at sila ay binigyang parangal nitong umaga ng Nobyembre 30, 2020.

Ang tatlong (3) araw na tagisan ng galing na ginanap sa Division Training School, 10th Infantry Division, Philippine Army, sa Camp Gen. Manuel T. Yan Sr., Brgy. Tuboran, Mawab, Davao De Oro ay nagpakita ng angking kahusayan ng mga kasundaluhan sa iba’t ibang batalyon ng 10ID.

Nagkaroon ng paligsahan sa Equipment Check, Rappelling, Military Stages, Troop Leading Procedure (TLP) at iba pa.

Lahat ng kalahok ay nagpakita ng kahusayan sa pagganap ng kanya-kanyang tungkulin sa grupo at base sa tala ng 10DTS, nakuha ng 73IB ang pinakamataas na puntos.

Sa pahayag na ibinahagi ni CPL. Caballero, squad leader ng grupo, “Pagtutulungan. Ito ang naging susi sa aming pagkapanalo. At ito ay nagsimula sa aming batalyon kung saan kami ay hinubog at naging isang pamilya,” kanyang madamdaming sabi.

Bilang tugon, kinilala naman ng Pinuno ng 73IB na si Lt. Col. Ronaldo G Valdez ang husay na ipinamalas ng kasundaluhan. “Maganda ang pagsasamahan ng kasundaluhan sa aming yunit. Nagkaisa at nagtulungan sila kaya nila nakuha ang pinakamataas na gantimpala. Sila ay isang halimbawa na ang kasundaluhan ng 73IB ay naghahangad ng kahusayan sa anumang gawaing iniatas sa kanila,” kanyang pahayag. (CMO 73rd IB | DPAO 10th ID)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -