Iriga City – Nagsipagtapos ang 621 na bagong pulis sa isinagawa nitong pagsasanay sa ilalim ng Basic Internal Security Operations Course (BISOC), Biyernes, Mayo 14, 2021 sa PRO5, Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City na pinangunahan ni PBGEN Jonnel C. Estomo, Regional Director, Police Regional Office 5.
Base sa impormasyon, ang mga grumadweyt na pulis ay itatalaga sa iba’t ibang Provincial/City Mobile Force Company at Regional Mobile Force Battalion 5 (RMFB) upang mas palakasin ang pwersa sa pagsugpo ng kriminalidad lalo na ng insurhensiya at terorismo sa rehiyon.
Kinilala rin at binigyan ng parangal ang mga natatanging pulis na nagpakita ng kanilang galing sa nasambit na pagsasanay. Iginawad ang Medalya ng Kasanayan kina Pat Jason B. Cristo; Pat Albert P. Sullano; Patrolwoman Kaziel Lizette A. Panol, ang top 3 ng kanilang klase. Natanggap naman nina Pat Julius C. Barrun, pangkalahatang marcher at ni Charles Emmanuel M. Curioso, presidente ng klase ang parangal na Leadership Award. Kinilala rin bilang top gun marksmanship pistol sina Pat Darrel L Arcillas at Patrolwoman Ma. Charlene A. Baldon. Samantala, iginawad naman kina Pat Jestoni Balote at Patrolwoman Efreny G. Aliano ang top gun in marksmanship rifle.
Sumentro naman ang mensahe ni PBGEN Jonnel C. Estomo sa programa ng kasalukuyang administrasyon, sa pamumuno ni PNP Chief PGen. Guillermo Lorenzo T Eleazar na nakatuon sa Intensified Cleanliness Policy (ICP) na naglalayong linisin hindi lamang ang hanay ng kapulisan kundi pati na rin ang mga tanggapan at ang mga AOR nito patungo sa pagkamit ng tunay na pagbabago sa organisasyon. Pinaalalahanan din nito ang mga nagsipagtapos na bagong miyembro ng Kasurog Bicol sa kanyang adbokasiya upang matugunan ang pangangailangang panseguridad at pangkalusugan lalo sa gitna ng hamon ng pandemya na nakaangla sa salitang SAFE. Kung saan ang pulis ay nakikita (SEEN), pinahahalagahan (APPRECIATED) sapagkat sila ay nararamdaman (FELT) sa kanilang ekstraordinaryong (EXTRAODINARY) pagseserbisyo sa bayan.
(Source: Bicol News)
