31.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

60 Pamilya na binubuo ng 136 katao, biktima ng sunog sa Bontoc, Mountain Province

- Advertisement -

(Baguio City-Bontoc, Mt. Province) Anim na pong pamilya na binubuo 136 katao ang naging biktima ng sunog sa Sitio Loc-ong, Poblacion, Bontoc, Mountain Province kahapon ng medaling araw Abril 11, 2023. Ito ay ayon sa huling datos ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o ng PDRRMO.

Agad namang nagbigay ng tulong pangkagipitan o emergency assistance ang Department of Social Welfare and Development-CAR sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office tulad ng family food packs, at ang Office of the Civil Defense ay nagbigay din ng mga Hygiene Kits sa mga biktima. Samantala, nagsagawa ang DSWD Field Office CAR sa pamamagitan ng mga tauhan ng SWAD Mt. Province iti Disaster Assistance Family Access Card (DAFAC) registration sa mga evacuation site, at pre-orientation para sa Psychosocial Processing. Ipinaliwanag ang DAFAC ay isang monitoring tool para ibigay ang tulong sa mga pamilya na apektuhan ng kalamidad o sunog.

Tumutulong din ang sinasabing mga “Angels in Red Vest” para sa mabilis na pagbibigay ng DSWD FFPs sa mga Internally Displaced Persons katuwang nila ang Municipal Social Welfare and Development Field Office at patuloy na pakikipag ugnayan nila sa PSWDO at mga katuwang na ahensiya kaugnay sa nasabing insidente. Samantala, ayon kay Fire Marshal S/Insp. Ferdinand Ammiyao.

Sa oras ng 2PM kahapon ay hindi pa nakakapagbigay ng opisyal na ulat ang BFP-Bontoc ang iba’t ibang detalye kaugnay sa nangyaring sunog tulad ng bilang ng istrukturang nasunog at kung magkano ang halaga ng nasunog dahil sa patuloy ang imbestigasion at ang validation ng nasabing opisina.

Ang pamahalaan ng Probinsiya ng Mountain Province kasama na ng mga mamamayan nito ay nanawagan sa lahat na manalangin para sa mga nasalanta ng sunog na nangyari sa pagitan ng alas dos hangang alas sais ng medaling araw kahapon Abril a 11, 2023.

Sa isinagawang inspeksyon na ginawa ng mga maykapangyarihan, ilan sa mga bahay at commercial establishments, at kinabibilangan ng mga sasakyan sa nasabing lugar ang nasunog ng buong buo, wala namang kaso ng pagkamatay o nasugatan ang naiulat.

Si Provincial Administrator Franklin C. Odsey ay nanawagan sa lahat ng empleado sa kapitolyo ng ilang minutong sariling pagdarasal para sa mga biktima ng sunog matapos ang pagtataas ng bandila kahapon ng umaga.

Hinikayat ni Ginoong Odsey, ang mga empleado ng kapitolyo na magbigay ng donasyon upang maibigay ito sa mga naapektuhang mga pamilya o mga tao. (RPN-Baguio/Joel Cervantes)

Credit to LGU Bontoc

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -