Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) ang anim na bagong sintomas ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) na idinagdag sa listahan ng Centers for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos.
Kabilang sa mga bagong sintomas ang chills, repreated shaking with chills, muscle pain, headache, sore throat, at loss of taste or smell.
Kinokonsidera rin ng mga eksperto mula Amerika ang pangingitim ng paa at daliri ng isang infected patient at maging pamumuo ng dugo sa large arteries ng COVID-19 na nagdudulot ng severe stroke.
Lumilitaw din sa pag-aaral na ang mga sintomas na ito ay maaaring maranasan sa dalawa hanggang 14 na araw matapos na ma-expose sa virus.
Anila, maaari ring ng meron nang impeksyon ang pasyente bago pa man lumitaw ang mga sintomas.
Samantala, tiniyak naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na patuloy na kinakalap ng mga eksperto sa bansa ang mga impormasyon sa sakit gayung isa itong panibagong uri ng coronavirus.