48 na mga LSI nagpositibo sa COVID-19, Rizal Memorial Stadium isinailalim sa disinfection

0
15

Isinailalim na sa sanitation at disinfection ang Rizal Memorial Stadium kung saan nananatili ang una at ikalawang batch ng mga benepisyaryo ng Hatid Tulong Program.

Batay sa impormasyon mula kay Hatid Tulong Program Lead Convenor  Asst. Secretary Joseph Encabo, 48 sa mahigit 3,000 LSI’s ang nagpositibo sa rapid test at ngayo’y sumasailalim na sa swab test.

Bakante na ngayon ang Rizal Memorial Stadium matapos na makauwi  na sa kanilang mga lalawigan ang mga kasama sa phase two ng programa.

Tiniyak ni Encabo na babaguhin na nila ang sistema sa phase 3 na isasagawa sa katapusan ng Agosto upang hindi na maulit ang pagkumpol kumpol ng mga LSI’s sa iisang lugar.