30 katao patay sa forest fire sa China

0
62

Umabot sa tatlumpu (30) katao ang namatay sa nangyaring forest fire sa Sichuan Province, China.

Nagsimula ang sunog nitong nakalipas na weekend matapos ang hindi inaasahang paglakas ng hangin ngunit kahapon lamang natagpuan ang mga bangkay.

Kabilang sa mga nasawi ay ang hepe ng Regional Forestry Bureau at mga bumberong rumesponde dito.

Una nang nagpalabas ng fire warning ang Sichuan officials dahil sa nararanasang matinding init ng panahon.

—-