29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

3 Pinoy, 1 Koreano dinukot sa Libya

- Advertisement -

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs o DFA na mga Pilipino nga ang nasa trending video sa social media na umaapela ng tulong sa gobyerno.

Ang tatlong Pilipino kasama ang isang South Korean ay mga technician na kinidnap ng mga armadong kalalakihan sa Libya noon pang unang linggo ng Hulyo.

Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, nakikipag-ugnayan na sila sa Libyan government para mailigtas ang mga biktima.

Siniguro ni Cato na ginagawa ng gobyerno ang lahat upang masagip ang naturang mga Pinoy.

Samantala, nagpadala na ang gobyerno ng South korea ng isang warship upang tumutok sa pagliligtas sa kanilang mamamayan na bihag din sa nasabing bansa.

Ipinabatid ng mga opisyal ng South Korea ang pag-deploy sa warship na Munmu The Great para makiisa sa anti-piracy operations sa Gulf of Aden.

Sinabi ng isang SoKor military official na naghahanda na rin ang nasabing warship sa lahat ng posibilidad kabilang ang pangangailangan sa military support.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -