Ipatutupad ang 24 oras na curfew sa Saudi Arabia para sa limang araw napagdiriwang ng Eid-Al Fitr.
Epektibo ang curfew mula Mayo 23 hanggang 27 kasunod ng pagtatapos ng Ramadan.
Batay sa report, ang hakbang na ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, at upang hindi na mahikayat ang mga tao sa lugar na lumabas pa sa kani-kanilang mga tahanan.
Sa pag-iral ng curfew, mananatiling bukas ang mga commercial at business enterprises, habang maari lamang makalabas ang mga tao doon mula 9:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.
Sa ngayon, nasa 42,000 na ang kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia kung saan 264 na ang mga nasawi.