2 rockets bumagsak sa Green Zone sa Baghdad, Iraq —security sources

0
16

Bumagsak ang dalawang rockets sa Green Zone sa Baghdad, Iraq na malapit sa US Embassy.

Ayon sa Iraqi Joint Military Command, naunang tumunog ang sirena sa lugar bago nasundan ng dalawang malakas na pagsabog na napag-alamang dahil sa tinatawag na Katyusha Rockets na bumagsak.

Samantala, wala namang napaulat na nasaktan sa naturang insidente.