2 months rice buffer stock inirerekomenda ng DA

0
13

Inirerekomenda ni Agriculture Secretary William Dar ang pagkakaroon ng nasa dalawang buwang buffer stock ng bigas sa bansa.

Ito aniya ay upang matiyak ang food security at katatagan ng suplay ng bigas sa bansa sa gitna ng nararanasang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa pagharap ni Dar sa deliberasyon ng House of Representatives sa panukalang pondo ng Department of Agriculture sa susunod na taon, sinabi nito na kasalukuyang nasa 15 araw ang buffer stock sa bigas ng bansa.

Gayunman, umaasa ang kalihim na madaragdagan pa ang lebel nito.

Ayon kay Dar, sa pamamagitan ng karagdagdagang stimulus package sa sektor ng agrikultura, matitiyak hindi lamang ang pagtaas sa sufficiency level ng pagkain sa bansa kundi maging ang pagpapa-unlad sa kabuhayan ng mga magsasakang Pilipino.

Sa ilalim ng panukalang budget para sa 2021, umaabot sa P86.3-bilyong alokasyon ng  DA na mas mataas mula sa kasalukuyang pondo na P6.4-bilyon.