$1M nalikom ng NBA players para sa mga biktima ng wildfire sa Australia

0
12

Nakalikom ng halos $1M ang ilang NBA players bilang bilang ayuda sa mga nabiktima ng wildfire sa Australia.

Nakasaad sa inilabas na joint statement ng mga manlalaro, ang labis na pagkabahala sa naging pinsala ng wildfire.

Kabilang sa mga NBA players na ito ay sina Aaron Baynes ng Phoenix Suns, Jonah Bolden at Ben Simmons ng Philadelphia 76ers, Ryan Broekhoff ng Dallas, Matthew Dellavedova at Dante Exum ng Cavaliers at marami pang iba.

Samantala, magugunitang ang naturang wildfire sa Australia ay ikinasawi ng halos 30 katao at tinupok ang libo-libong kabahayan.