19-anyos na estudyante, 3 iba pa arestado sa illegal na drog sa Iriga

0
30

Arestado ang apat katao kabilang na ang isang 19-anyos na estudyante sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-bust operation ng Iriga City Police Station sa Zone 2, Dahlia St., San Miguel Iriga City 5:30 ng hapon nitong Marso 11, 2024.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Rikrik, 19-anyos, estudyante, residente ng Zone 2 Brgy San Jose, Gerald, 23-anyos ng Zone 3 Brgy. San Jose, Romeo, 32-anyos, ng Zone 3 Brgy. San Antonio, at si alyas Kimberly 27-anyos, residente ng Zone 1, San Jose lahat sa lungsod ng Iriga.

Isinagawa ang operasyon ng City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Iriga City police sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Bicol na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet laman ang hinihinalang shabu na may timbang 7 gramo at may street value na PHP 47,600. 00, at iba pang non-drug paraphernalia.

Ang mga suspek ay dinala na sa Iriga City Police Station para sa karampatang disposisyon.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Emman Lumapag)

Leave a Reply