18 babae nailigtas sa umano’y prostitution den sa Makati

0
15

Nailigtas ng mga awtoridad ang nasa 18 babae mula sa dalawang hinihinalang prostitution den sa Palanan, Makati City.

Ayon kay Makati City Police Chief, Col. Rogelio Simon, ikinasa nila ang operasyon matapos makakuha ng impormasyon hinggil sa isang sinasabing prostitution den sa Casino St,. corner Bautista St.

Aniya, isang agent nila ang nagpanggap bilang customer kung saan nakakuha ito ng babae sa halagang P3,000.

Kasunod nito, agad nilusob ng mga awtoridad ang lugar at naabutan ang 11 babae at isang lalaki.

Sinabi ni Simon, nagkasa pa sila ng follow-up operation matapos namang ituro ng isang nailigtas na babae ang isa pa umang prostitution den sa Araro St. corner Emilia St.

Dito naman aniya nasagip ang pito pang babae at naabutan ang dalawang Chinese national at ilan pang mga kalalakihan.