35.9 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

14 Na Pamilya Sa CamSur Nakatanggap Ng Transitory Shelter Assistance

- Advertisement -

Nakatanggap ng transitory shelter assistance na may kabuuang halaga na ₱ 197,500.00 ang 14 na pamilya sa Camarines Sur na bahagi ng Balik-Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program.

Ang transitory shelter assistance ay isang rental subsidy na ibinibigay ng DSWD upang makapagsimula ang isang pamilya sa probinsya.

Ang BP2 program ay bahagi ng estratehiya ng pamahalaan upang magkaroon ng balanseng pag-unlad sa lahat ng rehiyon, masiguro ang kaginhawaan sa mga pook-rural, at mapainam ang mga inisyatibo tungo sa pagkamit sa matatatag at malalagong komunidad.

Layunin ng programa na suportahan ang mga pamilyang informal settler at mga manggagawa na labis naapektuhan ng COVID-19 na nais nang bumalik sa kani-kanilang mga probinsya para sa permanenteng relokasyon at paghahanap-buhay.

(Source: DSWD V)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -