14 Land Ambulance pinagturn-over ng DOH Bicol sa mga LGU

0
9
(Photo courtesy: DOH Bicol CHD)

Pinagturn over ng Department of Health Bicol Center for Health Development Bicol (DOH Bicol) sa pamamagitan ng kanilang Facilities Enhancement Program, ang labing apat (14) na unit ng land ambulance sa iba’t ibang Local Government Unit sa rehiyon Bicol noong nakaraang Abril 15, 2024, na ginanap sa Healthy Lifestyle Complex, DOH Bicol CHD Compoout, sa Lungsod ng Legazpi, Albay.

Ang pagturn over ay kasama sa ikalawang batch ng mga ambulansya na ibinigay sa mga LGU ngayong kasulukuyang taon.

Kasama sa mga nabahagian ng mga naturang ambualnsya sa lalawigan ng Albay ay ang mga Rural Health Units (RHU) ng mga bayan ng Guinobatan, Jovellar, Libon, Malinao, Pio Duran, at Tiwi.

Sa lalawigan ng Camarines Sur, isang unit ng land ambulance ang ibinigay sa Rural Health Unit, ng Garchitorena, San Jose, at Naga City Health Office.

Nakatanggap din ang RHU Baras, at RHU Bato ng tig-isang unit. Habang ang Masbate City Health Office, at RHU Irosin sa lalawigan ng Sorsogon ay parehas din na naging benepisyaryo ng mga land ambulance.

Ipinahayag ni Outgoing Undersecretary of Health and Concurrent Regional Director Dr. Nestor F. Santiago, Jr. ang kahaklagahan ng pagbibigay sa mga pasyante ng de-kalidad na access sa medical transportation bilang bahagi ng Universal Health Care.

Sa talumpati ni Incoming DOH Bicol OIC – Regional Director Dr. Rodolfo Antonio M. Albornoz, inilahad niya na bahagi ng tungkulin ng naturang kagawaran ang makapagbigay ng de-kalidad na serebisyo medical para sa lahat. Isa sa mga pakay ng pagkamit sa Universal Health Care para sa lahat ng mga Bicolano ay ang pagturn over sa mga naturang sasakyan.

Nagpakita ng pasasalamat at pagkilala ang iba’t ibang pinuno ng mga LGU at ang kanilang mga kinatawan sa Kagawaran ng Kalusugan sa suportang pinaramdam nito sa pagpapalaganap at pagpapalakas ng serbisyong medical nito, mas lalo na sa medical transportation at patient referal sa kanilang mga localidad.

Nagakakahala ng aabot sa 1.9 million pessos ang kada ambulansya na may iba’t ibang kagamitan na magagamit sa medical transportation.

Makakatulong ang mga nabanggit nang mga sasakyan sa mga LGU sa mabilis at mas pinabisang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng sapat at tamang transportasyon sa kalusugant at mga kagamitan. (Digz Martinez, Jr.)

 

Leave a Reply