1,000 tauhan ng MMDA ipapakalat sa Traslacion 2020

0
17

Nakahanda na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa Traslacion 2020.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, 1,000 tauhan ng MMDA ang kanilang ipakakalat upang matiyak ang kalinisan at kaayusan sa Traslacion ng itim na Nazareno.

Sinabi ni Lim, pangangasiwaan ng MMDA ang daloy ng trapiko, pag-aalis ng obstruction o mga nakaharang sa mga kalsada at maging ang paglilinis sa basurang iiwan sa ruta ng prosisyon.

Kaugnay nito, tiniyak din ni Lim magdedeploy rin sila ng mga ambulansiya upang matiyak ang kaligtasan ng mga debotong lalahok sa Traslacion.