Isa katao ang patay habang nasa labing lima (15) ang sugatan sa isa na namang insidente ng pagsabog sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat.
Ayon kay Isulan Mayor Maritess Pallasigue, sumabog ang isang improvised explosive device o IED sa loob mismo ng isang internet café sa nasabing bayan ganap na alas-7:30 kagabi.
Blast site kung saan naganap ang ikalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat kagabi. | via @jaymarkdagala Photo Credit: Net Ortiz-DWIZ Correspondent GenSan pic.twitter.com/CgECNC16ib
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 2, 2018
Dinala sa mga ospital sa probinsya at mga kalapit na lugar ang mga sugatang biktima at apat dito ay medyo malubha ang kondisyon.
TINGNAN: Mga sugatang biktima sa panibagong pagsabog na nangyari sa loob ng isang internet cafe kagabi sa Isulan, Sultan Kudarat. | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/W09Xe3Yl03
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 2, 2018
Kasalukuyang naka-lock down ang Isulan habang patuloy na iniimbestigahan ang naturang pagsabog.
Magugunitang wala pang isang linggo ang nakalilipas nang maganap ang unang pagsabog sa Isulan kung saan ikinasawi ito ng tatlo katao.
—-