VP Robredo ibinunyag na may operasyon kaya out sa Magic 12 sina Bam at Mar

by Powered by DWIZ
0 comment
VP Robredo ibinunyag na may operasyon kaya out sa Magic 12 sina Bam at Mar

Ibinulgar ni Vice President Leni Robredo na mayroong operasyon para hindi makapasok sa Magic 12 si Senador Bam Aquino at dating Senador Mar Roxas.

Kasunod ito ng inilabas na pinakabagong Pulse Asia senatorial survey kung saan nasa labing isa (11) hanggang labing anim (16) na puwesto si Aquino habang nasa labing isa (11) hanggang labing pitong (17) puwesto si Roxas.

Ayon kay Robredo, sa kabila ng operasyong ito ay doble kayod sila sa pangangampanya para hindi magtagumpay ang anumang plano laban sa mga kandidato ng Otso Diretso.

Aminado si Robredo na bibihira ang mga TV at radio campaign ads dahil sa kakulangan ng pondo ngunit sisipagan na lamang aniya nila sa pagbisita sa mga bayan at probinsya para mas mapalakas pa ang kanilang puwersa.

—-

 

 

 

 

Related Posts