29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Unang araw ng voter’s registration para sa barangay, SK elections dinagsa – COMELEC

- Advertisement -

Dinagsa ng mga botanteng magpaparehistro ang unang araw ng voter’s registration para sa mga nais makaboto sa 2020 barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC), tinatayang nasa 2,030,630 ang magrerehistro sa barangay elections habang 2.7-milyon naman ang sa SK elections.

Kasabay nito, sinabi ng COMELEC na tuloy lang sila sa pagpaparehistro kahit pa may mga lumulutang na rekomendasyon na i-postpone ang halalan sa 2020.

Kaugnay nito, iginiit ni COMELEC Spokesman James Jimenez na dapat nang sabihin ng pamahalaan kung ano ang plano nila sa darating na halalan upang malaman agad ito ng publiko.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -