Ukrainian President Poroshenko kumasa sa hamon ng debate ng katunggaling si Zelensky

by Powered by DWIZ
0 comment
Ukrainian President Poroshenko kumasa sa hamon ng debate ng katunggaling si Zelensky

Kumasa na sa hamon na debate ng kanyang katunggaling si Volodymyr Zelensky si Ukrainian President Petro Poroshenko.

Pumayag din ang kasalukuyang Ukrainian president na isailalim sa isang drug at alcohol test.

ito’y makaraang umani ng mas maraming boto si Zelensky, isang komedyante at walang karanasan sa politiko, sa unang round ng presidential elections sa Ukraine.

Sa ngayon ay wala pang itinakdang petsa para sa naturang debate na ipalalabas sa telebisyon at inaasahang gaganapin sa national sports complex sa Kiev sa Ukraine.

Samantala magugunitang una nang hinamon ni Poroshenko ang kanyang katunggali sa pagkapangulo bago pa man magsimula ang unang bugso ng botohan.

Related Posts