Twitter nagka-aberya

Twitter nagka-aberya

by Powered by DWIZ
0 comment 114 views

Nakaranas ng aberya ang major social networking site na Twitter sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Maraming Twitter users ang nagpost sa pamamagitan ng Facebook na hindi nila ma access ang Twitter sa web at mobile devices.

Ang Twitter outage ay nagsimulang maranasan mag-a-alas-tres ng madaling araw sa Pilipinas.

Ayon sa downdetector.com, isang site na namomonitor ng aberya sa social media, malaking bahagi ng Twitter users na nakaranas ng problema ay mula sa Estados Unidos, Europa at Japan.

Mag-a-alas-kuwatro naman ng madaling araw nang magbalik sa normal ang Twitter.

Magugunitang July 4 nang magka-aberya rin ang Facebook, Instagram at Whatsapp.

0 comment

Related Posts