Mga basurang itinapon sa Mindanao ibabalik na sa South Korea
January 13, 2019
Unity walk at inter-faith rally isinagawa ngayong election period
January 13, 2019
Show all

Tricycle driver nahulihan ng droga sa COMELEC checkpoint sa Maynila

Timbog ang isang tricycle driver matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa ikinasang COMELEC o Commission on Election checkpoint sa New Panaderos Street sa Santa Ana, Maynila.

Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, tumambad sa kanila ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu nang pahintuin at inspeksyunin ang pitaka ng drayber.

Iginiit pa ng drayber na hindi sa kanya ang mga nakitang plastic sachets at iniabot lamang sa kanya ito kasama ang bayad ng kanyang pasahero.

Ipinagmalaki naman ni Eleazar na malaking tulong ang isinasagawang checkpoints ng COMELEC hindi lamang para sa halalan kundi maging sa pagsugpo ng krimen.

Comments are closed.