31.5 C
Manila
Friday, April 26, 2024

Total deployment ban sa Libya ipinatupad na ng DOLE

- Advertisement -

(Updated)

Ipinatupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang total deployment ban sa Libya.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi muna papayagan ang mga Pilipinong manggagawa na magtungo sa Libya kahit na ang mga balik manggagawa o mga nagbabakasyon lamang sa bansa.

“Saan ba talaga ang problema diyan sa Libya, hindi naman buong Libya ang may problema eh, may mga identified places lang diyan na may bakbakan, pero otherwise marami namang safe places, kaya gaya ng sinasabi ko pinag-aaralan ng aming opisina doon , ng aming Labor attache, at pinag-aaralan din ng Foreign Affairs, and we’re waiting for the final report.” Ani Bello

Kasabay nito, tiniyak ni Bello na nakahanda ang DOLE, anumang oras para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) na gusto munang umuwi ng bansa habang umiiral pa ang kaguluhan sa Libya.

Sinabi ni Bello na lagi ring handa ang DOLE para ayudahan ang mga OFW na ayaw nang magbalik sa Libya.

“Lalo na ang mga nurses madaling hanapan alternative work opportunity ‘yan, maaari nating i-deploy sila sa Japan, Israel, Germany, in demand sila diyan, ‘yung mga ayaw namang bumalik may programa naman tayo para sa kanila, may livelihood at immediate financial assistance para sa kanila.” Pahayag ni Bello

(Balitang Todong Lakas Interview)

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -