29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Taas presyo sa gasolina asahan na bukas

- Advertisement -

Mas marami pang kumpanya ng langis ang nag-anunsyo na ng taas presyo sa kanilang produktong petrolyo simula bukas.

Kabilang sa mga nagpaabiso ng siyamnapung sentimos lada litrong omento sa presyo ng kanilang gasolina ang Caltex, PTT, Seaoil at Total.

Epektibo ang taas presyo sa kanilang ibinibentang gasolina simula ala 6:00 ng umaga bukas, Marso 12 maliban sa Caltex na magpapatupad ng oil price hike simula alas 12:01 ng hating gabi.

Samantala, wala namang magiging paggalaw sa presyo ng diesel at kerosene.

Una nang nag-anunsyo ng dagdag sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Petro Gazz at Pilipinas Shell noong weekend.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -