29.8 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Suspek sa pagpatay sa isang Grade 7 na estudyante sa Calamba tinutugis pa rin

- Advertisement -

Mala-palos kung ituring ng Calamba City PNP ang suspek sa nangyaring pagpatay sa Grade 7 student na si Mark Anthony Miranda sa loob ng kanilang classroom sa Masili National Highschool nuong Huwebes

Ito’y ayon kay P/Ltc. Jacinto Malinao ay matapos na mamataan sa burol ni Miranda ang Security Guard na suspek na si Renan Valderama at sinasabing nagbanta pa sa mga kaklase ng biktima

Napag-alaman ayon kay Malinao na Hulyo a-primero pa nag-awol o Absent Without Official Leave si Valderama kung saan, tinangay pa nito ang kaniyang Caliber 38 na Service Firearm

Kasalukuyan nang sinusuri ng pulisya kung tugma ba ang Slug ng bala na nakuha sa biktima gayundin sa baril na ginamit ng suspek

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -