Suspek sa pagpatay sa isang bata arestado

by Powered by DWIZ
0 comment
Suspek sa pagpatay sa isang bata arestado

Naaresto na ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang taong gulang na batang lalake sa Makati City.

Inamin naman ng suspek na si Gerald Reparip, 28 anyos na ginakal niya ang biktima matapos gahasain na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Humingi ng paumanhin ang suspek sa nagawang krimen dahil nadala lamang aniya siya ng alak.

Nabatid na nagdiwang ng kaarawan ang lolo ng biktima at nagkaroon ng inuman sa ikalawang palapag ng gusali kung saan naimbitahan ang suspek na isang construction worker sa Muntinlupa.

Magugunitang natagpuan kahapon ang labi ng bata sa isang abandonadong gusali sa Yakal Street sa Barangay San Antonio.

Related Posts