Sugatan at pinsala ng lindol sa Surigao

by Powered by DWIZ
0 comment
Sugatan at pinsala ng lindol sa Surigao

Aabot sa 25 katao ang napaulat na nasaktan sa pagtama ng magnitude 6 na lindol sa Surigao Del Sur.

Habang ilang mga bahay, simbahan at iba pang mga gusali ang nagtamo rin ng mga pinsala.

Batay sa ulat, 6 sa mga nasaktan ay mula sa bayan ng Madrid at isang mag-ama na nabagsakan ng mga tipak ng semento habang natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi naman ni Madrid Surigao Del Sur Police Chief Lieutenant Wilson Uanite, ilang mga kabahayan ang kanilang nakitang napinsala sa lugar.

Kabilang na dito ang bumagsak na bubungan ng isang lumang parking building na nagdulot ng pinsala sa 2 fire trucks at 3 sasakyan ng Munisipyo.

Batay naman sa natanggap na ulat ng Office of Civil Defense sa rehiyon, naramdaman din ang pagyanig sa mga kalapit – bayan ng Madrid kung saan napinsala rin ang ilang bahay, 2 simbahan, isang hotel, gym, tulay at palengke.

Ayon sa PHIVOLCS, umaabot na sa pito ang kanilang naitalang aftershock matapos ang naramdamang pagyanig pasado alas 4:42 kaninang madaling araw.

Related Posts