Smart hindi muna makakapaglaro sa Celtics dahil sa injury

by Powered by DWIZ
0 comment
Smart hindi muna makakapaglaro sa Celtics dahil sa injury

Hindi muna makakapag-laro ng apat hanggang anim na linggo ang point guard ng Boston Celtics na si Marcus Smart.

Ito’y kaugnay ng tinamo nitong injury sa oblique abdominal muscles nitong Lunes, matapos ang pagkatalo ng kanilang koponan kontra sa Orlando Magic.

Dahil dito hindi muna makakasali si Smart sa unang round ng playoffs sa paghaharap nila ng Indiana Pacers.

Samantala, positibo naman ang coach ng Celtics na si Brad Stevens na hindi makaka-sagabal sa performance ng Celtics ang pansamantalang pagkawala ng nasabing manlalaro.

Related Posts