Singaporean president nakatakdang makapulong ni Duterte ngayong araw

Singaporean president nakatakdang makapulong ni Duterte ngayong araw

by Powered by DWIZ
0 comment 28 views

Nakatakdang makapulong sa Malacañang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Singaporean President Halimah Yacob, ngayong araw.

Ito ay kaugnay ng 5 araw na state visit ng Singaporean President kung saan inaasahang talakayin ng dalawang lider ang usaping pang-ekonomiya, politikal at people-to-people engagement.

Dahil dito, isasara naman sa mga motorista ang bahagi ng Roxas Blvd. ngayong umaga upang bigyang daan ang unang araw ng state visit ng Singaporean President.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Manila police district traffic enforcement unit ang seguridad sa mga naturang lugar.

0 comment

Related Posts