Service charge bill nilagdaan na ni Duterte

by Powered by DWIZ
0 comment
Service charge bill nilagdaan na ni Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na nag-aatas na ibigay sa mga empleyado ang 100% ng mga makokolektang service charge.

Sa ilalim ng Republic Act No. 11360, inaasahang mas lalaki ang kita ng mga empleyado sa mga binaggit na industriya dahil buong-buo na nilang makukuha ang ibinigay na tip ng mga customer.

Inaamyendahan nito ang Labor Code of the Philippines kung saan nakasaad na mapunta sa management ang 15% ng service charge.

Inatasan din ang DOLE na magbalangkas ng implementing rules and regulations sa loob ng 60 araw para sa pagpapatupad sa nabanggit na batas.

Related Posts