School building malapit sa firing range ng Camp Crame bubuksan na

by Powered by DWIZ
0 comment
School building malapit sa firing range ng Camp Crame bubuksan na

Bubuksan na ng San Juan City Government sa susunod na linggo ang isang school building na malapit lamang sa firing range ng Camp Crame.

Nabatid na hindi pa nagagamit ang nasabing gusali simula nang itayo ito noong 2015 dahil sa usapin ng kaligtasan.

Ayon sa caretaker ng gusali na si Robert Ochoa, may mga basyo ng bala pa siyang nakikita sa ilang bahagi ng gusali.

2016 naman nang maglagay ng pader ang PNP sa paligid ng firing range kaya’t hindi na umano nakakatawid ang mga bala patungo sa gusali.

Tiniyak naman ni San Juan Mayor Francis zamora na ligtas na ang nasabing gusali, base na rin sa certification mula mismo sa PNP at Department of Education.

Sinabi naman ni PNP training service director Police Brigadier General Alfred Corpus na iimbestigahan nila ang narekober ng isang residente na basyo ng bala malapit sa paaralan at nakadepende sa resulta kung papayuhan ang city government kung itutuloy ang pagbubukas ng gusali o ipagpaliban muli.

Tinatayang 200 estudyante mula sa mga kalapit na paaralan ang nakatakdang ilipat sa nasabing gusali.

Related Posts