Report sa GCTA, ninja cops nakatakdang isumite ngayong linggo — Gordon

Report sa GCTA, ninja cops nakatakdang isumite ngayong linggo — Gordon

by Powered by DWIZ
0 comment 31 views

Ikinakasa na ng senate blue ribbon & justice committees ang kanilang report kaugnay sa usapin ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) at recycling ng iligal na droga ng mga pulis.

Ito’y ayon kay committee chairman at Senador Richard Gordon ay bagama’t pansamantalang suspendido muna ang pagdinig ng Senado hinggil dito.

Sa panayam ng DWIZ kay Gordon, sinabi nito na may mga hinihintay siyang personalidad na inaasahang magbibigay linaw sa usapin ng kuwesyunableng operasyon ng pulisya sa Mexico Pampanga noong 2013.

Magugunitang sabit sa nasabing kontrobersiya si PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde na noo’y provincial director pa ng Pampanga Provincial Police Office.

As of the moment tapos na, ang hinihintay ko lang talaga katulad ang reports sa Korea kung babalik si Lee saka mga sasakyan kung makukuha namin yun at saka kung darating si Ronald Santos. Merong mga nagsasabi pero hindi namin pinapatulan lahat yan, baka hindi naman relevant pero we’re looking at it kaya ang usapan namin suspinde muna pero pwede naman kami maglabas ng report, kahit maglabas ka ng report, kahit magkasuspinde tuloy pa rin yun,” ani Gordon.

Kasunod nito, sinabi rin ni Gordon na irerekumenda nila ang pagsasampa ng kasong negligence at graft laban kay Albayalde dahil may mga ebidensyang magdiriin sa kaniya sa nasabing usapin.

Dagdag pa ni Gordon, nakatakda niyang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte ang initial report ng komite sa papapasok na linggong ito.

Malakas naman yun kasi tinatanggap ng husgado yun dahil sa kapulisan wala kang makukuhang testimento dyan ito meron eh, yung statement ni Aquino, saka yung statement ni Lacadin at saka yung mga sinasabi nung lahat na napag-usapan you can conclude that bawat ginawa niya o hindi niya ginawa mapagkakabit-kabit na istorya, hindi ka makakakuha ng istorya pero kapag pinagkabit-kabit mo makikita mo talagang may logical conclusion,” ani Gordon. — sa panayam sa Usapang Senado.

0 comment

Related Posts