Recruitment agencies ‘di mawawala sakaling maitatag ang Department of OFW – DOLE

by Powered by DWIZ
0 comment
Recruitment agencies ‘di mawawala sakaling maitatag ang Department of OFW – DOLE

Nilinaw ni Labor Secretary Silvestre Bello III na hindi nangangahulugang mawawala na ang mga pribadong recruitment agencies.

Kasunod ng ito ng pahayag  ni Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang isailalim sa kontrol lamang ng pamahalaan ang pagkuha at pagpapadala  ng mga overseas Filipino workers (OFWs) sa ibang bansa.

Paliwanag ni Bello, nais lamang ni Pangulong Duterte na matutukang mabuti ang mga aktibidad ng mga recruitment agencies lalo’t maraming mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa ang napapaulat na inaabuso ng kanilang mga employers.

Magugunitang sa naging talumpati ni Pangulong Duterte sa araw ng pasasalamat sa OFWs kagabi, binalaan nito ang mga recruitment agencies kung saan ipag-uutos niyang isailalim na lamang sa gobyerno ang pangangasiwa sa pagsala at pagkuha ng mga OFW.

Related Posts