Rain or shine muling nasungkit ang panalo sa semifinals ng 2019 PBA Philippine Cup

by Powered by DWIZ
0 comment
Rain or shine muling nasungkit ang panalo sa semifinals ng 2019 PBA Philippine Cup

Umaariba pa rin ang koponan ng Rain or Shine Elasto Painters makaraang pataubin nila ang pwersa ng Magnolia Hotshots sa kanilang laban para sa semifinals ng 2019 PBA Philippine Cup kagabi.

Nagwakas ang laban ng dalawang koponan sa iskor na 93 – 80.

Nanguna sa pagkapanalo ng Rain or Shine si Ed Daquioag na nakasikwat ng 19 puntos at tatlong rebounds.

Nag-ambag din ng 16 puntos si Norbert Torres.

Nanguna naman sa panig ng Hotshots sina Ian Salangsang at Robert Herndon na pawang nakapagtala ng tig-13 puntos.

Samantala, naganap kaninang alas 7:00 ng gabi ang harapan naman ng Phoenix Pulse Fuel Masters kontra San Miguel Beermen.

Related Posts