Pinaka-Mahaba At Pinaka-Maraming Kalahok Sa Parada Magaganap Bukas Sa Penafrancia Festival 2019

Pinaka-Mahaba At Pinaka-Maraming Kalahok Sa Parada Magaganap Bukas Sa Penafrancia Festival 2019

by RPN
0 comment 50 views

IRIGA CITY – Pinaka-mahaba at pinakamaraming kalahok sa isang parada sa buong bansa ang muling matutunghayan bukas sa maghapon aktibidad sa lungsod ng Naga, bahagi pa ng Penafrancia Festival 2019.

Ito ay ang Penafrancia Street Parade Competition na inaasahang lalahokan ng mahigit 800 paaralan mula sa kabikolan at inaasahang aabuton ng humigit kumulang 12 oras.

Kasabay nito, pinaplano na ng lungsod na magkaroon ito ng pagkilala sa buong daigdig bilang “world longest parade” na isusumite sa international recognition ng Guinness.

Taunang ginaganap ang parada na kung saan aabutin ng 11,000 mga mag-aaral mula sa high school hanggang college ang lalahok.

Kung sakali na magkaroon ng international recognition, ayon kay City Councilor Lito Del Rosario itoy makakatulong sa turismo ng lungsod bilang pilgrim city ng bansa.

– M. Barayoga

0 comment

Related Posts