29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Philhealth sasagutin ang pagpapagamot ng mga nasugatan sa nangyaring lindol sa Pampanga

- Advertisement -

Sasagutin na ng pamahalaan ang gastusin sa pag-papagamot sa mahigit 100 katao na nasugatan kaugnay ng naranasang lindol sa Pampanga nitong Lunes ng hapon.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, aakuin na ng Philhealth ang lahat ng medical expenses ng mga nasaktan sa nangyaring insidente.

Batay sa ulat ng Department of Health, 75 sa kabuuang bilang ng sugatan ang dinala sa Jose Songco District Hospital, habang 21 naman ang dinala sa Romana Pangan District Hospital at 16 naman ang sa Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital.

Sa ngayon, 16 katao naman ang kumpirmadong nasawi dahil sa nangyaring pagyanig habang 15 naman ang patuloy pa ring hinahanap ng mga otoridad.

“Libre ho. Libre lahat yon. That’s for sure. Karamihan diyan ay covered ng Philhealth at kung hindi naman, ay babayarin din yan ng Philhealth through the point of service program ng DOH. It is a medical assistance and part of our response, we have an emergency management bureau that coordinates with the regional emergency responds.”

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -