Duterte, balik-bansa na; Calida, kinumpirmang nasa likod ng pagbawi ng amnesty kay Trillanes
September 8, 2018
Illegal drugs: tiningnang motibo sa pamamaril-patay sa Gensan
September 8, 2018

Paolo Duterte tinawag si VP Robredo na ‘Patron ng mga oportunista’

Paolo Duterte tinawag si VP Robredo na ‘Patron ng mga oportunista’

“Patron ng mga oportunista.”

Ito ang taguri ni dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong’ Duterte kay Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang post sa social media, sinabi ng presidential son na kitang kita na ang bise presidente ang itinalagang poster girl ng oposisyon.

Ayon pa kay Pulong, habang ang amang si Pangulong Rodrigo Duterte ay abala sa pagharap sa mga hamon at problema sa mga Pilipino at sa buong bansa, abala rin aniya si Robredo sa pag-atake sa gobyerno at umaastang hindi bahagi ng pamahalaan.

Gusto lamang aniya ni Robredo na paniwalaan ng publiko na masama ang Pangulo at ang bise presidente ang sagot sa lahat ng problema ng bansa.

Iginiit ni Pulong ang patuloy na pagsusulong ni Robredo ng agenda ng kaniyang partido at maging ng mga kritiko ng Duterte administration.

Comments are closed.