Pagsasabatas sa Motorcycle Crime Prevention Act inalmahan

by Powered by DWIZ
0 comment
Pagsasabatas sa Motorcycle Crime Prevention Act inalmahan

Umalma ang Luzon Motorcycle Federation Inc. sa pagsasabatas sa Motorcycle Crime Prevention Act.

Ayon kay Wawi Villanueva, pangulo ng grupo, ipinarating na nila ang pagtutol nila nuong dinidinig pa ang panukala sa Kongreso.

Kabilang sa mga tinukoy na dahilan ni Villanueva ang kabiguan ng pamahalaan na konsultahin ang mga motorcycle organizations.

Iginiit ni Villanueva na hindi naka disenyo ang mga motorsiklo para malagyan ng malaking plaka sa harap kayat baka maka-disgrasya pa ito.

Higit sa lahat, sinabi ni Villanueva na hindi sagot sa krimen ang paglalagay ng dalawang lisensya sa motorsiklo.

Batay sa datos ng Philippine National Police, nasa mahigit 28,000 ang naitalang insidente kung saan gumamit ng motorsiklo ang kriminal mula 2010 hanggang 2017.

Sa naturang bilang mahigit sa 13,000 ang sangkot sa pamamaril o yung tinatawag na riding in tandem.

Related Posts