Paglagda sa batas na naghahati sa Palawan ay para sa kapakanan ng mga residente — Palasyo

by Powered by DWIZ
0 comment
Paglagda sa batas na naghahati sa Palawan ay para sa kapakanan ng mga residente — Palasyo

Tiniyak ng Malacañang na para sa kapakanan ng mga residente sa Palawan ang nilagdaang Republic Act 11259 o ang batas na naghahati sa Palawan upang maging tatlong lalawigan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, makabubuti para sa palawan ang naturang batas dahil mas matutukan ng pamahalaan ang pangangailangan ng bawat distrito sa lugar.

Kaugnay nito, pinabulaanan rin ni Panelo ang naging paratang ni Sen. Risa Hontiveros na pinapaburan ng nasabing batas ang China, sa pinag-aagawang West Philippine Sea.

Sa ilalim ng nasabing batas, itatag ang bagong lalawigan na tatawaging Palawan del Norte, Palawan del Sur at Palawan del Oriental kung saan kasama sa Palawan del Sur ang mga island municipality ng balabac at kalayaan na bahagi naman ng mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

—–

Related Posts