29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Paghalintulad ni Pangulong Duterte sa grupong Magdalo at ISIS walang negative impact kay Alejano

- Advertisement -

Kumpiyansa si Senator Antonio ‘Sonny’ Trillanes IV na walang ‘negative impact’ sa kandidatura ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang ginawang paghalintulad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa grupong Magdalo at ISIS terrorist group.

Nilinaw ni Trillanes na malayong malayo sa katotohanan ang naging pahayag na ito ng pangulo dahil alam aniya ng publiko ang totoong layunin ng grupo.

Ayon kay Trillanes, hindi rin minamasama ng Magdalo ang komentong ito ng pangulo, nagpapasalamat pa sila dahil lalo silang mapapalapit sa publiko dahil dito.

Matatandaang, tinawag na ‘buwang’ ng pangulo ang grupong Magdalo sa kaniyang speech sa Papua New Guinea, kung saan binalaan rin niya ang publiko na mag-ingat sa Magdalo dahil kapareho ito ng rebeldeng grupong ISIS.

“Tinitra niya kami eh lalong napapalapit kami sa taong bayan.. si Gary Alejano at ang grupong Magdalo at ang nilalabanan namin ay yung mga tiwala at abusado.”

 

(From Usapang Senado interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -