Pacquiao hindi na interesadong makaharap muli sina Jeff Horn at Keith Thurman

by Powered by DWIZ
0 comment
Pacquiao hindi na interesadong makaharap muli sina Jeff Horn at Keith Thurman

Hindi interesado ang pambansang kamao na si Manny Pacquiao na muling makaharap sa boxing ring sina Jeff Horn at Keith Thurman.

Ito ang sinabi ni Sean Gibbons, ang pangulo ng MP Promotions na promoter naman ng fighting senator.

Ayon kay Gibbons, hindi interesado si Pacquiao na muling makasagupa ang dalawang boksingero.

Aniya, tanging dalawang boksingero lamang ngayon ang nais na makaharap ng fighting senator at ito ay sina American Boxer Mikey Garcia at Two Division Champion Danny Garcia.

Samantala, hindi rin naman isinasantabi ni Gibbons ang posibilidad ng rematch ni Pacquiao kay American boxing superstar na si Floyd Mayweather Jr.

Related Posts