One-way traffic scheme sa SLEX-East Service Road epektibo na

One-way traffic scheme sa SLEX-East Service Road epektibo na

by Powered by DWIZ
0 comment 38 views

Epektibo na ang bagong traffic scheme sa East Service Road ng South Luzon Expressway (SLEX).

Ito ay upang matugunan ang matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko na nararanasan sa northbound lane ng SLEX.

Ipinatupad ang one-way traffic scheme simula kagabi, 10 p.m., sa East Service Road mula Alabang hanggang Sucat interchange.

Kasabay ng bagong traffic scheme ay inilipat din ang toll plaza entry ng Alabang (northbound) sa ilalim ng Skyway on-ramp.

Samantala, simula naman sa October 14 ay babaguhin na rin ang oras ng pagdaan ng mga truck sa SLEX kung saan maari lamang dumaan ang mga truck dito mula 9:30 a.m. hanggang 4:00 p.m. at 9:30 p.m. hanggang 4:00 a.m..

0 comment

Related Posts