Noynoy nilinaw ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan

Noynoy nilinaw ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan

by Powered by DWIZ
0 comment 36 views

Nilinaw ni dating pangulong Noynoy Aquino ang tunay na kalagayan ng kanyang kalusugan matapos ang pahayag ng kanyang kapatid na si Kris Aquino na hindi maayos ang pakiramdam nito.

Kasunod ito ng hindi pagdalo ni Noynoy sa naging pag gunita ng ika-36 na anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang ama na si dating senador Benigno Aquino.

Ayon sa dating pangulo, nakararanas siya ng sintomas ng trangkaso tulad ng ubo, sipon at lagnat.

Aniya, walang dapat ipag-alala dahil pangkaraniwang sakit lamang ito at kasalukuyan na siyang umiinom ng gamot na inireseta ng kanyang doktor.

Nilinaw ni Noynoy na wala silang komunikasyon ng kanyang kapatid na si Kris.

Nangako naman ang dating pangulo na agad ipaaalam sa publiko anuman ang maging kalagayan ng kanyang kalusugan.

0 comment

Related Posts