Nokor, muling nagpakawala ng missile

Nokor, muling nagpakawala ng missile

by Powered by DWIZ
0 comment 21 views

Muling nagpakawala ng dalawang hindi pa natutukoy na klase ng missile ang North Korea.

Ilang oras lamang ito matapos ipahayag ng pamahalaan ng North Korea ang kanilang kagustuhang muling simulan ang nuclear talks sa Estados Unidos ngayong Setyembre.

Ayon sa joint Chiefs of Staff ng South Korea, nagmula ang dalawang missile sa pasilidad ng Nokor sa South Pyongan Province.

Magugunitang nabigo magkasundo sina US President Donald Trump at North Korean leader  Kim Jong Un sa kanilang huling pag-uusap noong Pebrero sa Hanoi Vietnam.

0 comment

Related Posts