33.3 C
Manila
Friday, April 26, 2024

‘No’ votes sa Lanao Del Norte may malaking epekto sa ground commanders ng MILF

- Advertisement -

May malaking epekto sa ground commanders ng MILF ang pagka panalo ng ‘no’ votes sa mga bayan sa Lanao Del Norte na nais isama sa BARMM o Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Inihayag ito ni MILF Peace Implementing Panel Chairman Mohager Iqbal matapos madismaya sa pagkatalo ng yes votes sa ikalawang araw ng plebisito hinggil sa BOL o Bangsamoro Organic Law.

Gayunman, sinabi ni Iqbal na natutuwa naman sila sa kagustuhan ng anim na bayan na nais magpasakop sa BARMM kung saan makikita ang malaking panalo ng yes votes habang dadag na dalawang munisipyo ang sumuporta sa kanila.

Bagamat tiniyak ni Iqbal na iginagalang nila ang desisyon ng mga residente at tanggap din ang sinapit ng plebisito na karagdagan sana na probinsya sa rehiyon.

Hinihintay na lamang ng MILF na ipatawag sila ni Pangulong Rodrigo Duterte lalo pa’t naisumite na nila ang kanilang nominee na bubuo sa itatayo na bagong Bangsamoro government kapalit ng ARMM.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -